DAR tikom sa desisyon ng SC sa Hacienda Luisita

HINDI muna magbibigay ng komento ang Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura na ang 1989 stock distribution plan para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Inihayag ng DAR sa kanilang official press statement na hihintayin muna nilang matanggap ang kopya ng desisyon at kautusan na nilagdaan ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) bago sila magbigay ng komento.

“The Department of Agrarian Reform (DAR) is, at present, refraining from commenting on the Supreme Court’s decision on the Hacienda Luisita Inc., (HLI) vs.Presidential Agrarian Reform Council (PARC) case pending DAR’s receipt of the official signed decision and order,” ayon pa sa press statement ng DAR.

Tiniyak naman ng DAR na magbibigay ang kanilang tanggapan at ang Office of the Solicitor General (OSG) ng reaksyon sa naturang usapin oras na matanggap nila ang kopya ng desisyon at kung ano ang dahilan at naglabas ng ganoong desisyon ang pinakamataas na korte kaugnay nga ng kaso.

Kailangan din umano nilang magpulong at masusing mapag-aralan ang magiging implikasyon ng desisyon ng SC.

Makikipagpulong ang Legal Affairs Office ng DAR sa OSG para talakayin ang mga magiging implikasyon ng naturang desisyon.

“The DAR has been preparing for all possible actions regarding the matter and it will proceed in transparent, thorough and fair manner,” dagdag pa ng DAR.

Ibinasura kahapon, Martes, ng SC ang 1989 stock distribution plan para sa 6,296 magsasaka ng HLI at nagpatawag ng referendum upang matukoy kung mas pipiliin ba ng mga magbubukid ang lupa o shares of stocks.

Nasa 6-4 ang lumabas na boto ng mga mahistrado na nagbabasura sa petisyon ng HLI noong Pebrero 2006 at nagpapatibay sa kautusan ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) noong Disyembre 2005 na nag-aatas na dapat ipamahagi ang 4,915.75 ektarya ng nasabing hacienda sa may 6,296 orihinal na magsasakang benepisaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply