Dati sa Bible at Rosaryo: Maricel Soriano sa shabu na naglilibang

MASYADONG masalimuot ang kwento ng buhay ni Maricel Soriano, parang buhol-buhol na sinulid. Kahit nu’ng time na nasa ABS CBN pa siya naririnig na natin ang mga kwentong nagkaroon siya ng ugnayan sa isang lesbian. Pero bago ‘yan, nagkaroon muna siya ng relasyon sa isang politiko at nabiyayaan ng anak.

Nang mawala siya sa Kapamilya network, nasagap naman natin ang pagkakaramdam niya ng sobrang depresyon dahil sa unti-unting pagkawala ng kanyang career, ang init ng kanyang pangalan, at ang kanyang kasikatan.

Para Mapaglabanan ang mga indulto sa kanyang buhay, hinanap niya ang katahimikan sa piling ng Panginoon. Nagulat nga tayo minsan nang makita nating may dala-dala siyang Bible at nagsi-share ng mga salita ng Dios sa kapwa niyang artista. At Madalas din daw itong mag-rosaryo.

Imagine, si taray, para nang maamong tupa?

Kamukat-mukat natin heto na’t inuulan na kami ng text messages sa programang Star na Star sa DWIZ 882 khz, from Monday to Friday 2-3 p.m., hosted by Pete A., Peter L. and yours truly.

Ayon sa mga natatanggap naming mensahe, parating maingay daw ang unit nito sa Rizal Tower, Rockwell, Makati dahil sa lagi itong nagbubunganga. Target ng kanyang matalas na bibig ang mga kasambahay na madalas ay lumalabas na lang daw ng condo  para maisawan ang walang patumanggang pagkakatsang ng amo nila.

In fact, sabi naman ng isang texter namin na isang interior designer ng naturang condo, isa hanggang dalawang Linggo lang daw tumatagal ang mga ‘angels’ na kinukuha sa agency ng beteranang aktres.

Wala kasing ideya ang mga kasama sa bahay ng Diamond Star kung ano ang pinagdadaanan niya. Ngayon heto na ang balitang kaya pala siya laging wala sa ayos ay dahil sa gumagamit na raw pala siya ng ipinagbabawal na gamot.

Na kesyo itinago pa s’ya sa isang basement ng hospital para lamang hindi kumalat sa media ang pagkakalulong umano nito sa nasabing bisyo.

Ngayon hindi siya mahagilap. Walang balita kung nasaan siya. Maging ‘yung dalawang katulong na negreklamo sa ginawang pambubugbog daw sa kanila ni Marya ay wala ring maibigay na detalye kung nasaan ang amo nila.

Hindi malaman sa dalawang ito kung ano ang motibo nila sa pagreklamo kay Mon Tulfo. May sahod ba silang hindi naibigay ng magaling aktres? O, ‘yung mismong pananakit na ginawa sa kanila ang nirereklamo nila?

Dapat para kapani-paniwala sila, mag-file sila ng formal complaint, di ‘yung sa media sila dumidiretso.

Katulad nu’ng ginawa ni Princess Revilla sa katulong niya, hindi ba’t nagsampa pa ng kaso ang huli? ‘Yun nga lamang, nadaan sa ‘magandang usapan’ang lahat.

***

Ang mga kakontemporaryo ni Maricel Soriano na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie ay may mga problema din at wala ring pinatunguhang maganda ang kanilang mga relasyon.

Si Dina Bonnevie ay natsismis noon na gumamit din daw ng prohibited drugs.

Nahiwaly din sa asawang si Vic Sotto. Nagkaroon ng iba’t ibang relasyon.

Samantalang si Snooky naman heto’t dispalenghado rin ang buhay.

Pelikula Nina Sam at KC Binagyo Na Pinatalsik Pa Ng Transformer

Pumunta kami sa isang sangay ng SM sa Novaliches Kyusi para panoorin ang pelikulang Forever And A Day nina Sam Milby at KC Concepcion pero wala na kaming naabutan. Pinalitan na ito ng Transformer. Sa apat na sinehan tatlo rito ang Transformer at isa lamang ang naiiba.

Tinanong namin ang empleyado ng sinehan, hanggang second week lang daw ang itinagal ng pelikula nina Sam at KC. Okay naman daw sana ito at hindi talaga masasabing flop, kaya lang, dumaan ang bagyong Falcon at sinipa pa ito ng bagong palabas na Transformer kaya napilitan silang palitan na ito.

Matteo Guidicelli Nagmumukhang Tanga

Pinipilit ni Matteo Guidicelli na magpatawa sa Happy Yipee Yehey! pero walang dating. Kapag patuloy niya itong ginagawa sa naturang programa, magmumukha lamang siyang tanga.

Dapat ayusin ni Matteo ang kanyang pagsasalita. Minsan parang maikli ang dila n’ya. Para tuloy nagpapa-cute lang siya sa programa. Pakainin kaya s’ya ng Pekpek ng baboy? Hahahaha!

Kidding aside, nand’yan na siya sa isang daily program na tinututukan ng karamihan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, dapat samantalahin niya ang pagkakaton.

Pag nawala s’ya d’yan, saan na naman siya pupulutin?

***
Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext

sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply