Dating MTRCB Chairman Laguardia hinarang ng guard

SA RAMI nang dumagsa sa premiere night ng “Temptation Island” last Sunday sa Cinema 9, SM Megamall ay may hindi nakapasok at nagtiyaga na lang maghintay sa labas ng looby para makita ang stars ng movie sa pangunguna nina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heusaff at Rufa Mae Quinto.

Kasama sa hindi nakapasok ay si former MTRCB Chairman Consoliza Laguardia pero hindi dahil sa rami ng tao kundi hinarang at ayaw siyang papasukin ng guard ng mall.

Kahit na late nang dumating si Madam Chairman Laguardia ay nagawa pa rin nitong dumating dahil sa inimbita siya ni Mother Lily Monterverde na naging best friend ng Regal big boss.

Nagulat ang inyong lingkod nang palabas kami ng sinehan para pumunta ng comfort room ay nakikipag-usap si former Chairman Laguardia sa guard na nakatoka sa gate ng sinehan at ayaw itong papasukin kahit na anong paliwanag nito sa guard na may hawak pang talkie-talkie.

Nakita kami ni Chairman Laguardia, lumapit kami sa guard para sabihin na papasukin si Madam Laguardia dahil guest siya ni Mother Lily.

Kahit na anong paliwanag at sabihin pa sa guard na dating MTRCB Chairman si Madam Laguardia ay ayaw pa rin siyang papasukin.

Katuwiran ng guard ay utos sa kanya na walang papapasukin at ikinatuwiran pa nito na magagalit sa kanya ang fans na gustong ring pumasok kapag pinapasok niya si
Madam Laguardia.

Ikinumpara pa si Chairman Laguardia sa fans ng guard at dahil siguro sa kahihiyang dinanas ay nagpasabi na lang sa amin si Madam Laguardia na sabihin kay Mother
Lily na dumating siya pero okray nga ang guwardiya.

Pinigil namin si Madam Chairman para sabihin na tatawagin namin si Mother Lily sa loob ng sinehan pero nakaalis na ito dahil sa sinapit na kahihiyan.

Grabe ang ginawa ng guard sa dating former MTRCB Chairman. Hindi man lang nito nirespeto ang dating Censors Chairman.

Wala na si Madam Laguardia nang mahismasan siguro ang guard na toka sa gate ng sinehan (oras at that time ay 10 in the evening) at humingi ng sorry sa amin.

Sabi namin na kay former MTRCB Chairman siya dapat humingi ng sorry at hindi sa amin.

Sinulat namin ito para iparating sa pamunuan ng Mall at kay Mother Lily na nabastos ang VIP guest niya sa ginanap na premiere night ng Temptation Island.

Anyway, sa rami ng dumating at nanood ay posibleng mag-hit sa takilya ang movie na idinirek ni Joey Gosiengfiao thirty years ago.

***

TULOY na ang pagsasama sa pelikula nina Vilma Santos at Sharon Cuneta dahil nagbigay ng interes din si Mr. Tuviera sa project. At kung hindi kami nagkakamali ay sa 2nd week of July na magsisimula ang shooting nina Ate Vi at Shawie na may tentative title na “The Healing” na ididirek ni Chito Roño under Star Cinema at M-Zet Films.

Kinumpirma ni Ate Vi na may final meeting na raw sila any day this week with the Star Cinema big bosses kasama rin sina Mr Tuviera at si Mother Lily Monteverde.

Bukod sa movie na joint venture ng Star Cinema at M-Zet ay may project ding gagawin si Lipa Governor Vilma kay Mother Lily at kasosyo pa rin ang Star Cinema.

Kinumpirma rin ni Ate Vi sa buwan ng July ay uumpisahan na niya ang TV show sa ABS-CBN na ang tema ay pinaghalong “The Buzz” at “Wish Ko Lang.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply