Dating super sikat na aktres, ultimong lafang iniaasa sa concert produ

Super drama on and off screen

KAWAWA naman ang dating sikat na actress-singer sa California, USA. Pati ulam at kanin ay inaasa pa sa butihing producer na nalugi nang malaki sa kanyang investment para sa showbiz ventures.
May misyon kasi siyang baguhin ang kapalaran ng actress kasi parang api at para wala ng direksiyon. Eh siya kaya hindi naawa sa sarili na ubos ang kanyang puhunan para sa actress. Obvious namang niloloko siya ng beteranang actress na mahilig magdrama maski walang kamera.

***

GULAT na gulat si Kris Aquino to find out na sa super ganda ni Bea Alonzo ay may nakatago pa palang insecurities ang bida sa “Guns and Roses.” Maliit pala kasi ang toe nails ni Bea. Saka gusto ni Bea ang isang lalaking less maputi kaysa sa kanya kaya siguro lusot na lusot si Zanjoe Marudo. Maganda pa ang matang gustung-gusto naman ni Bea.

Diether Ocampo has foot fetish naman pala. He likes clean feet. Sabagay pag maayos ang paa ng babae, malinis sigurado sa katawan. Guwapo, muscular at sartorial dresser, madaling bagayan si Diether ng isang super lovely actress. Mahilig ang machong actor sa mga mapuputi at makikinis na babae.

Maingat pala sa pera si Enchong Dee. Hindi siya basta bili nang bili ng kung anu-ano maski nasa ibang bansa pag nagbabakasyon. Smart buyer ika nga. Hindi siya kuripot dahil kung feel niyang dapat gastusan, all out naman siya. Dapat lang talagang matutong mag-ipon ang mga artista ngayon para hindi maghirap pag wala na sa showbiz.

Too much skin

SIKAT na naman ang Bench billboard. Controversial at talaga namang dapat pag-usapan kung dapat tanggalin sa Edsa, Guadalupe (Tinanggal na, Tony – Ed) Tama naman si Valenzuela Mayor na maging concerned sa mga batang nakakakita sa medyo eskandalosong porma ng Philippine Volcanoes. Masyado naman kasing sobra na ang ipinakita sa harapan ng mga male models. Nakabakat na nga, nakakurba pa, lol. (You can’t do anything about it Tony. Well endowed sila – Ed).

‘Yun ngang kay Dingdong Dantes noon ay mas OK, decent at wholesome pa rin maski sexy ang approach sa various underwears. Noong panahon naman ni Jomari Yllana, sinabi nga ng isang photographer na airbrushed pa nga ang bukol para payagan maski sa print ad man lang.

Through the years

TIRSO Cruz III delivered a moving performance in “100 days to Heaven.” Talaga namang maski maikli ang role eh markado naman niyang ginampanan. Ang layo na talaga nang narating ng better half ng glorious Guy and Pip tandem. Nakawala na siya sa tambalan, naging respetado at may longevity ng career. Always professional maski nakakatagpo ng balasubas na producer sometimes. Edukado at may good manners na plus right conduct pa, hindi mo siya maririnig na manira ng kapwa artista o maski ano pa mang masamang komento sa kabaliwan ng dating ka-loveteam na si Nora Aunor.

Hilaw na intriga

WALA na yatang masyadong mas sensible showbiz news lately kaya may gustong palakihin ang pagkakamali ni Zsa Zsa Padilla nang masabi niyang Kristine Garcia sa halip na Cristine Reyes. Aysus, tao lang naman si Zsa Zsa at nag-apologize naman agad. Good thing naman, si Cristine ay mas smart naman sa isang TV interview na sumagot ng maikli at walang halong galit. She cleared the issue right away.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply