Dayaan sa halalan maitatala sa kasaysayan

NANINDIGAN si FPJ for President Movement founder Butch Cadsawan na may mapapala pa rin sila sakaling imbestigahan ulit ang dayaan noong 2004 elections.

Ayon kay Cadsawan, gusto lang naman nilang itama ang ginawang pagkakamali noong 2004 presidential elections at para maayos na rin ang electoral system sa bansa.

Samantala, iginiit naman ni dating Justice Secretary Raul Gonzalez na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo talaga ang nanalo sa nasabing eleksyon.

Matatandaang nadawit si dating First Gentleman Mike Arroyo sa ER switching nang akusahan itong siyang nagpondo sa nasabing iligal na operasyon.

Samantala, ipinahayag naman ni Atty. Luie Guia, executive member ng Consortium on Electoral Reform, na bagama’t sinsabing nagkaroon ng umano’y dayaan, hindi nangangahulugan na nanalo nga sa halalan ang mahigpit na katunggali sa politika ni Arroyo na si namayapang aktor Fernando Poe Jr. noong  2004 presidential elections

“Kung nandaya si kuwan, hindi ibig sabihin nanalo ang dinaya,” paliwanag ni Guia.

Ipinaliwanag pa nito na ang tanging paraan upang matiyak kung sino ang nanalo ay magkaroon ng recount para sa mga “contested votes” para mabatid kung ang grupo ng nagpoprotesta ang dapat maupo para sa pamunuan ang pamahalaan

Sa kaso ni Poe, ang grupong umaangkin ng panalo o nadaya ay matagal nang binawian ng buhay.

Maliban pa umano rito, ang termino sa panunungkulan nito ay tapos na at walang ng bisa kung matuklasan na nananalo nga si Poe.

Gayunman, sinusuportahan ni Guia ang kilos ng Commission on Elections (Comelec) at Department of Justice (DOJ) para imbestigahan ang mga alegasyon na nagkaroon ng dayaan sa halalaln noong 2004 at 2007 at maipamukha sa taumbayan ang naganap na dayaan at maitala ito sa kasaysayan ng bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply