Dayalogo ng CBCP-Malakanyang sa RH bill naudlot

NANINIWALA ang isang obispo ng Simbahang Katoliko na wala nang pag-asa na matuloy ang dayalogo sa pagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Malakanyang kaugnay sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Espicopal Commission on Bioethics ng CBCP, wala naman nang halaga kung matuloy ang dayalogo dahil hindi na ito magiging produktibo pa dahil naka-set na ang isipan ng Pangulong Aquino sa pagsusulong ng RH bill.

Anang Obispo, talagang pabor ang Pangulo sa RH bill at very combative siya sa pagsusulong upang maisabatas ang RH bill.

“Looking to the President present state of mind mukhang hindi na siya uurong sa RH bill.

Talagang pabor na siya sa RH bill. But of course nakasalalay pa rin yan sa Congress. Sila

muna ang magdedesisyon niyan kung ipapasa nila ito o hindi. Pero at the moment, according to his statement, very combative para isusulong ang panukala,”ani Oliveros sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sa kabila nito, tiniyak ni Oliveros na sa panig ng Simbahang Katoliko ay hindi magbabago ang pagtuturo nila kung ano ang katotohanan.

“Naka-set na ang mind ng other side. Kami naman siyempre magpi-fixed what is truth. Truth is truth. Black is black and white is white. Hindi naman kami maaaring na iyong alam namin

o iyong itinuturo naming katotohanan ay sabihin naming mababago, hindi puwede yon. That’s  the danger sa sinasabi ng Santo Papa na Relativism. We cannot really device the truth.

Sapagkat ang katotohanan ay katotohanan. Kasi hindi mo naman mapipigil ang simbahan na magturo. Kung ano ang sinasabi ng Simbahan iyon ang katotohanan,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply