De Lima kakatayin ni Lacson sa CA

MALABONG makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Justice Secretary Leila de Lima dahil kakatayin ang nominasyon nito ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Sinabi ni Lacson na dalawang bagay lamang ang kahihinatnan ni De Lima sa CA: Ang ma-bypass o ma-reject.

“Kapag na-reject ang isang appointee o nominee, hindi na puwede ire-appoint. Pag na-bypass, puwede magkaroon ng ad interim appointment. Dalawa ‘yung palagay ko pagpipilian nya,” paliwanag ng senador.

Kabilang si De Lima sa na-bypass ng CA matapos ang sine die adjournment ng Kongreso nitong Hunyo 9.

Tumanggi naman si Lacson na magkomento kung si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III lamang ang makakasalba kay De Lima sa CA oras na kausapin niya ang mga miyembro ng komiteng kinabibilangan ng senador.

Aniya, kailangan munang humarap sa CA si De Lima upang sumagot sa mga kontrobersyang kanyang kinasangkutan, tulad na lamang sa pagmamaliit nito sa “appointing authority” ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa kontrobersyang kinasangkutan noon ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director Ernesto Diokno kung saan nagsalita siya sa media na sana’y gawin ng Pangulo ang nararapat na hakbang sa Bucor chief.

“May mga sasagutin siyang katanungan na palagay ko mahihirapan siyang sumagot,” pagtitiyak ni Lacson.

Naging mainit si Lacson kay De Lima matapos irekomenda nito ang pagkansela sa pasaporte ng senador noong panahon na nagtatago ito sa ibang bansa.

Nang napaulat na nakabalik na ito sa Pilipinas, ipinag-utos naman nito ang manhunt sa senador kung saan ikinonsidera pa ang shoot-to-kill order.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply