Deadma ang gurang na si Marianita kay Sam Pinto

CONSISTENT sa pagiging deadma si Marian Rivera dahil ayaw daw sumagot sa isyung dinedeadma niya si Sam Pinto mula nang ma-link si Dingdong Dantes dito.

Ayaw nga ba niyang patulan ang isyu o ayaw lang niyang makalkal pa kung paano niya isnab-isnabin si Sam?

Lumalabas pa na parang hindi apektado si Marian kung kinabog siya ni Sam bilang FHM 100 Sexiest.

Ang sabi lang niya ay nag-number one na raw siya nu’ng 2008 at ngayon ay nag-number two siya kahit hindi nako-cover ng FHM.

Ganun lang ba talaga ang palusot niya, aber?

***

READY na raw si Sarah Geronimo na ibalik ang team-up nila ni John Lloyd Cruz. Excited raw siya dahil marami na ang naghihintay sa tandem nila.

At least, napatunayan na ni Sarah na kumikita ang pelikula niya kahit wala si JL. Nag-hit din kasi ang nakaraang movie nila ni Gerald Anderson.

“Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ako, kung hanggang dito lang ba ako. Gusto ko yun malaman at nabigyan naman ako ng chance na makasama yung iba namang leading man, si Gerald (Anderson). At thank God it was successful. Marami namang natutuwa. Yun lang naman siguro yung gusto kong malaman,” deklara niya.

Basta ngayon ay ready na raw siyang pasayahin ulit ang mga fans nila ni Lloydie.

Pero teka, himihirit naman ang mga fans nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na unahin daw sana ng Star Cinema ang movie ng dalawa kumpara kina Sarah at Lloydie.

May ganoon?

***

Umulan man o bumagyo, mas marami pa ring Filipino ang piniling manood ng ABS-CBN noong nakaraang Hunyo.

MULING namayagpag ang Kapamilya Network sa buong bansa sa average audience share nito na 37% laban sa 32% ng GMA base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.

Umaariba pa rin ito sa primetime (6 p.m. hanggang 12 midnight), kung kailan may pinakamaraming viewers at mas nilalagyan ng commercials ng advertisers, sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao matapos makakuha ng national audience share na 44%.

Nananatili ring numero uno ang ABS-CBN nationwide sa unang kalahati ng 2011 sa total day share na 36% laban sa 34% ng GMA.

Nanguna pa rin para sa buwan ng Hunyo ang “Mara Clara,” na talaga namang tinutukan ng bawat Filipino hanggang sa huli, matapos nitong makuha ang average rating na 38.6%

Sumunod naman dito ang nangungunang weekday program ngayon na “100 Days to Heaven,” (34%) na agad na nakuha ang loob ng sambayanan dahil sa kuwento nitong talaga namang kapupulutan ng aral at sa husay sa pag-arte ng child superstar na si Xyriel Manabat. Pumangatlo naman ang “Maalaala Mo Kaya,” na siyang nanguna rin sa weekend programming sa average national TV rating na 30.8%.

Nananatiling numero unong newscast sa bansa ang “TV Patrol” sa average rating nitong 27.5%.

Pumalo rin ang live airing ng banggang Dallas Mavericks at Miami Heat sa inabangang NBA Finals sa average national TV rating na 19.1%. Mataas na ang naturang rating para sa isang programang ipinalabas sa umaga. Ito rin ang pinakamataas na rating na natamo ng NBA sa Philippine free-TV dala na rin sa mas maraming manonood na naabot ng ABS-CBN.

Nanatili namang balwarte ng Kapamilya ang Visayas at Mindanao. Sa Visayas ay may audience share ang ABS-CBN Primetime Bida na 65%. Maging sa Mindanao kung saan 62% ang ABS-CBN. Ang top 35 na pinakapinapanood na programa sa VisMin ay mula din sa Kapamilya Network.

Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply