Death toll ng bagyong ‘Juaning’ 21 na

UMAKAYAT na sa 21 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na pananaalsa ni bagyong “Juaning,” kasama rito ang 84-anyos na ina ni Albay Governor Joey Salceda na sa simula pa lamang ay nagpahayag na ng hinanakit sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa umano’y mali at atrasadong weather bulletin na ipinarating sa kanilang lalawigan kaya huli ang naging paghahanda ng local government at tumaas ang bilang ng casualties sa Bicol region.

Ang mga namatay ay mula sa Albay (7), Catanduanes (2), Camarines Sur (1), Camarines Norte (5), Cavite (2), Quezon Province (1), Marinduque (1) at Iloilo (1).

Umakyat naman sa 31 ang bilang ng nasugatan na nagmula sa Cavite (2), Catanduanes (1), Albay (1) at Iloilo (27).

Nawawala nama ang siyam katao mula sa Perez, Quezon (2), Lucena City (1), Catanduanes (2), Albay (3) at sa Camarines Norte (1).

Kaugnay nito, base sa ulat, ibinilang sa casualties ang ina ni Albay Gov. Joey Salceda matapos itong masawi matapos na mabagok ang ulo sa semento nang madulas sa kanilang tahanan dahil walang kuryente sa maraming bayan sa Polangui, Albay habag nananalasa si Juaning.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, naganap ang sakuna bandang 12:00 ng hatinggabi kagabi ng magbalak sanang magtungo sa comfort room ang biktima na si Dona Cielo Sarte Salceda.

Naisugod pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang 84-anyos na nanay ng gobernador subalit binawian din ito ng buhay.

Umakyat na sa 21 ang bilang ng mga namatay matapos na madagdag ang pamilya Casero na mayroong limang miyembro na namatay sa nangyaring landslide sa Camarines Norte, na dulot pa rin ni Juaning.

Ayon sa ulat na nakarating sa NDRRMC, naganap ang pagguho ng lupa na tumabon sa ilang kabahayan bandang ala-una ng Miyerkules ng madaling araw sa Barangay Bagumbayan, Jose Panganiban ng nabangit na lalawigan habang mahimbing na natutulog ang nasabing pamilya.

Samantala, nailigtas ang 30 katao mula sa Eastern Samar (6), Polilio Island, Quezon (15) at sa Marinduque (9 na mangingisda).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply