Death toll sa Bukidnon landslide umakyat sa 7

UMAKYAT na sa pito ang bilang ng mga natagpuang katawan ng mga namatay sa landslide sa Bukidnon kahapon, Lunes.

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa pang mga bangkay ng mga bata ang nahukay ngayon, Martes, nang magsagawa ng retrieval operation ang ahensya.

Limang bangkay ang narekober nitong Lunes matapos gumuho ang lupang bumagsak sa isang kalsada sa Barangay Lumbayao, Valencia City.

Sa ulat ni Maj. Eugene Osias, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, may limang motorsiklo ang dumaraan sa nasabing kalsada nang naganap ang landslide, na naglibing ng buhay sa mga biktima.

Hindi pa natitiyak ang bilang ng mga motorista at pasaherong nabiktima ng nasabing trahedya.

Sa tantiya ng NDRRMC, mula walo hanggang sampung katao pa ang hindi pa natutunton ng mga rescuer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply