Debate sa RH bill itutuloy sa Kongreso

TULOY ang debate sa kontrobersyal na Reproductive Health bill sa pagbabalik ng ikalawang regular na sesyon ng 15th Congress.

Tugon ito ng liderato ng Kamara sa mga naghihintay kung maisasabatas ang RH bill o hindi dahil sa matinding pagtutol dito ng Simbahang Katoliko.

Ipinaliwanag ni House Majority Leader Neptali Gonzales na hihintayin lamang nila na umabot sa saturation point ang debate sa RH bill bago tuwirang maisalang sa botohan sa plenary.

Aniya, sa may 35 kongresista na nagpalista upang mag-iinterpellate sa mga may-akda ng panukala ay iilan pa lamang ang natapos at mahaba pa aniya ang pila para sa interpelasyon.

Binigyang diin pa ni Gonzales na kapag dumating ang panahon na lahat ng katanungan ay nasagot na ay tatapusin na rin ang debate ukol dito.

Tiwala rin ang mambabatas na hindi maaapektuhan ng kontrobersyal na kinasangkutan ng mga Obispo sa debate ng RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply