Del Rosario tutulak ngayon tungong China

TUTULAK ngayong araw, Hulyo 7, patungong China para sa kaniyang official visit si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario.

Kabilang sa mga usaping inaasahang pagpupulungan nina Del Rosario at counterpart nitong Chinese foreign minister Yang Jiechi ay developments sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pagpapalakas pa rin sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang pangunahing misyon ng nasabing biyahe ni Del Rosario.

Makikipagpulong din si Del Rosario kina Chinese Vice President Xi Jinping na tumatayong Vice Chair ng Central Military Commission. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply