Demolition ng ilang bahay sa QC kinatigan ng korte

PINADE-DEMOLISH ng Quezon City Regional Court ang ilang kabahayan sa Barangay Pasong Putik, Quezon City matapos katigan ng korte ang pagpapalabas ng demolition order sa mga naturang istraktura.

Sa dalawang pahinang kautusan ni Pairing Judge Santiago M. Arenas ng QC Regional Trial Court Branch 218, iniutos nito ang pag-demolish sa mga kinatitirikang kabahayan sa isang lugar sa Barangay Pasong Putik, QC.

Ang kautusan ng korte ay matapos katigan ang inihaing petisyon ng petitioner na 101 Planners and Developers Corporation na siyang nagmamay-ari ng naturang lupain mula sa abogado nito na si Atty. Jacqueline C. Moralde para i-demolish ang nga nasabing istraktura.

Iniutos din ng korte ang pagbibigay ng police assistance ng Philippine National Police (PNP), barangay officials na siyang nakakasakop sa lugar para sa pagpapatupad ng naturang kautusan ng korte.

Nauna rito nitong nakalipas na Mayo 27 ay nagpalabas ng notice para boluntaryong lisanin ng mga naninirahan ang kanilang mga itinayong istratura sa 101 Property Planners  and Developers Corporation subalit ilan umano sa mga ito ay tumangging lisanin ang kanilang mga kabayahan dahilan para magpalabas ng demolition order ang korte.

Kaugnay nito inatasan din ng korte si Sheriff IV, Raymond Buenaventura na siyang Special Sheriff na siyang magpapatupad ng Alias writ of possession na inihain ng petitioner para sa pagpapatupad ng naturang kautusan.

Ibinasura rin ng korte ang inihaing “Motion For Leave Of Court To File Petition For Relief From Judgment na isinampa ng mga petitioners sa pangunguna nina Hilda Llante, Emily Zosas, Charito Zambrona, Corazon Mendoza, Lurdes Olisas, Butch Garcia, Elmer Esquillo at Felix Dumaboc para hindi matuloy ang pagdemolish sa kanilang kabahayan.

Ayon sa korte ang pagdemolish sa mga naturang istratura ay ipapatupad sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang naturang kautusan. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply