Dengue sa Ilocos Sur umaatake

TUMAAS ng doble ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa Ilocos Sur sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa report Provincial Health Office, Dr. Carmeliza Singson, mula sa bilang na 144 tumaas ito ng 300 kasabay ng babalang sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay dumarami ang mga nabibiktima ng nakamamatay na lamok.

Sa report ni na na ipinalabas noong Biyernes July 7, 2011, may 300 na ang tinamaan ng dengue, karamihan ay mga bata na may isa ang namatay sa Ilocos Sur mula Enereo 1 hanggang sa Hulyo 1, 2011.

Inatasan na rin ng Department of Health (DOH) ang mga lahat ng municipal health officer kabilang ang mga barangay health worker na imonitor ang mga kaso ng dengue sa mga barangay na naapektuhan.

Tinukoy ang mga lugar na naapektuhan ng naturang sakit ang Cabugao, Heritage City ng Vigan at Candon City at mga nasa mataas na lugar na mga bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply