DepEd pinuri ang MMDA sa pagbaklas ng sexy billboards

PURING-PURI ng Department of Education (DepEd) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawang pagbabaklas ng mga sexy billboard sa lansangan.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, dapat na isaalang-alang ng mga outdoor advertiser na maraming  kabataang dumadaan sa mga kalsada ang nakakakita ng halos nakahubad na mga artista at modelo sa mga billboard na maaari aniyang makaimpluwesya sa inosente isipan ng mga ito.

Dahil dito, nagpahayag ng suporta ang DepEd sa puspusang pagbabaklas ng mga billboard ng MMDA sa mga pangunahing kalsada, partikular na sa kahabaan ng Edsa.

Samantala, umalma ang dalawang aktres na si Angel Locsin at Anne Curtis matapos tanggalin ng MMDA ang kani-kanilang billboard sa Edsa.

Sa Twitter account ni Angel ay sinabi niyang kung offensive man sa tingin ng MMDA ang kanyang mga billboard na naka-bathing suit at naka-gown ay ayos lang…. ngunit wag daw gamitin ang kanyang pangalan para lang i-promote ang kanilang ginagawa

Paglilinaw naman ni Anne, wala siyang billboard sa Edsa na naka-bra tulad ng sinabi ng MMDA at ang tanging billboard niyang nasa EDSA- Boni ay nakasuot pa syia ng gown doon

Matatandaang pinagbabaklas ng MMDA ang mga billboard nila Angel at Anne dahil sa paglabag sa building code at sa pagiging offensive umano nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply