Deputy jail warden todas, 2 sugatan sa jailbreak

DEAD on arrival ang deputy jail warden habang kritikal naman ang isa pa nitong kasamahan matapos na barilin ng mga inmates sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology  sa lalawigan ng Masbate bago tumakas tangay ang ilang pirasong baril.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., daglian ang naging kamatayan ni Sr. Jail Officer 1 Rene C. Danao, habang kritikal naman ang isa pang kasamahan nitong jail guard na si Julius Cervantes ng Palanas BJMP na nasa Barangay Poblacion,  Palanas ng nabangit na lalawigan.

Nabatid na naganap ang jailbreak bandang alas-6:30 ng gabi sa loob mismo ng BJMP Office nang bigla na lamang salakayin ng tatlong inmates ang mga biktima at pinagtulungang agawin ang mga baril.

Kinilala ang mga notorious criminal na sina Ronnel Y. Padailap na may kasong rape, Jessie Cabier na may kasong murder at Romeo I. Olasla, Jr. na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Bago tumakas, binaril muna ng mga suspek ang nasabing mga jail guards at tinangay din ang isang M16 armalite rifle, isang shotgun at short firearm.

Samanatala, isa pang preso na nakilalang si Romulo Pason na may kasong rape ang nasugatan din sa nasabing karahasan.

Agad namang naglunsad ng isang tracker and recovery team ang Palanas BJMP sa tulong ng Masbate PNP upang tugisin at ibalik sa piitan ang mga pugante. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply