Desisyon sa Hacienda Luisita case inilabas na

IBINASURA na ng Supreme Court ang Stock Distribution Option (SDO) deal sa pagitan ng grupo ng mga magsasaka at namamahala ng Hacienda Luisita sa Tarlac.

Kasabay ng ipinalabas na desisyon ng SC, inatasan nito ang Department of Agrarian Reform (DAR) na magsagawa ng panibagong referendum sa hacienda, na pag-aari ng pamilya ng Pangulong Benigno Aquino III.

Maalala na sa naunang “compromise agreement,” mayroong  opsyon ang mga manggagawa’t magsasaka na magkaroon ng stocks sa korporasyon sa pamamagitan ng Stock Distribution Option (SDO) o kaya ay paghahatian ng mga ito ang 1,400 ektarya ng sugar plantation.

Binatikos naman ng isang grupo ng mga magsasaka sa hacienda ang SDO dahil ito umano ay paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply