DH, manggagawa, hindi alipin — ILO

KINILALA ng International Labor Organization (ILO) ang lahat ng kasambahay bilang uri ng manggagawa at hindi alipin sa tahanan matapos pagtibayin ang pandaigdigang organisasyon ang Convention 189 o Decent Work for Domestic Workers Convention.

Iniulat ito ni Sen. Antonio Trillanes IV na layunin ng kumbensiyon na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng migrant domestic workers sa anumang panig ng mundo kaya pinapurihan nito ang Department of Labor and Employment na nanguna sa kumbensiyon.

Sa inihain nitong resolusyon sa Senado, tinawag ni Trillanes na malaking tagumpay para sa mga Filipino domestic worker ang nasabing Convention, lalo pa na ang Pilipinas ang pangunahing nagtaguyod upang maipasa ito sa ILO.

Pinasalamatan din ni Trillanes sina DOLE Secretary Rosalinda D. Baldoz at DOLE Undersecretary Hans Leo G. Cacdac, na tumayo bilang pinaka-unang Chairman ng Committee on Domestic Workers ng ILO, sa pagsulong ng simulain na nag resulta sa nasabing convention.

Kinikilala sa ilalim ng Convention ang mga domestic worker o kasambahay bilang manggagawa at ang domestic work bilang trabaho at hindi uri ng pang-aalipin.

Inaatasan nito ang mga bansang kabahagi ng ILO na magtatag ng mga hakbang para apangalagaan at wakasan ang pang-aabuso at pagmamalabis sa mga domestic worker.

Sinisiguro ng Convention 189 na ang mga kasambahay ay patuloy na magtatamasa ng kalayaang bumuo ng asosasyon at karapatang pumasok sa tinatawag na collective bargaining, at labanan ang anumang batas o patakarang hadlang sa pagtupad ng kanilang mga karapatan.

Ang pagpapasinaya sa Convention 189 ay naganap noong Hunyo 16, 2011, kasabay ng ikasandaang International Labor Conference na ginanap sa Geneva, Switzerland.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply