Di ba kayang panindigan ni Coco ang anak kay Katherine Luna?

HINDI pa rin gumagawa ng aksyon si Coco Martin na panindigan ang pagiging ama niya sa anim-na-taong-gulang na anak nila ni Katherine Luna. Hindi naman daw ito tinatago ng aktres.

“Pag makikita niya sa personal, sabihin ng anak ko, tatay ko ‘yan. Kasi napapanood siya at kilala. Hindi ko siya itinatago sa anak ko. Sinasabi ko sa kanya kung sino ang tatay niya.

“Nangyari kasi sa akin ‘yan na itinago ako ng nanay ko sa totoong tatay ko, di ba? Ayaw kong iparamdam ‘yun dahil alam ko kung gaano kasakit,” sambit ni Katherine nu’ng makatsikahan namin siya sa presscon ng seryeng “Bangis” na palabas na ngayon sa TV5 pagkatapos ng “Wil Time, Big Time.”

“Gusto ko alam niya lahat at wala akong itinatago kasi wala naman akong kasalanan,” aniya pa .

Si Coco Martin ba ang pinakamabangis sa lahat ng minahal niya?

“Hindi! Akala ko nu’ng una love, pero aminado naman kami sa isa’t isa na hindi love ‘yung naramdaman namin,” pagtatapat niya.

Ano ‘yun flesh lang?

“Hindi naman. Parang MU, ganoon. Akala ko ganoon, pero nakaya kong mawala siya, e! Kaya kong wala siya, kaya niyang wala ako,” sagot niya.

Hindi pa ba niya nakikita ‘yung anak niya?

“Sabi niya gusto niyang makita pero wala naman siyang ginagawang move. Seryoso, wala. Nakita niya ang anak niya nu’ng one month old pa lang ‘yung bata.”

Ang tsismis, siya ang umaayaw na ipakita ang anak nila kay Coco?

“Ang akin ganito. Basta walang kamera, siya lang mag-isa, hindi dadaan sa press. Puwede naman, e! Wala namang problema dun, di ba? Kawawa kasi ‘yung bata, e! Babae pa ‘yun, nag-aaral na, grade one na, makakaintindi na siya, ayaw kong masaktan siyempre ‘yung bata. Matalino pa naman,” bulalas pa niya.

Dine-deny pa rin ba niya ‘yung anak niya?

“Hindi naman niya dine-deny. May isyung denial, may isyung sinusustentuhan dawniya. Di ba ang gulo? Kung dine-deny mo, ba’t mo sasabihin na sinusustentuhan mo?”

Ano ang reaksyon ng bata?

“Hindi naman niya naiintindihan pa ‘yung isyung dine-deny siya. Ang alam lang niya, tatay niya ‘yung pinapanood niya. “Daddy Coco ko ‘yan,” ganoon ang sinasabi niya.

“Nagtatanong siya, bakit nagkahiwalay kayo ni daddy? Tapos sinasagot ko naman siya.

“Basta ako, gusto ko lang protektahan ang mga anak ko. Di baleng magka-letse-letse na ang buhay ko, ‘wag lang sila,” deklara pa niya.

-0o0-

MUKHANG lumalalim na ang tuksuhan at pagkaka-link nina John Prats at Bianca Manalo.

Sinuotan ni John ng bracelet si Bianca sa closing ng “Happy Yipee Yehey” kahapon. Sey raw kasi ni Bianca ay walang nagsusuot ng bracelet sa kanya kaya sinuotan siya ni John. Tilian ang lahat ng tao sa ginawa ni John at nagsigawan din sila ng “Kiss! Kiss!”

Talbog!

-0o0-

MATINDI ang interbyu ni Dolly Ann Carvajal kay Mark Gil tungkol sa ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann. Hindi na napigilan ni Mark na maglabas ng kanyang nasasaloob.

“The father will remain unknown!” sey niya.

“Di na mahalaga yun. Maraming tatayong ama sa apo ko, lalo na ako.

“I wouldn’t wish my grandchild to (be around) a wimpy father who is still breast-fed by his mother.”

“Masakit sa kahit sinong babae na ginulpi at binuntis at tinalikuran,” deklara pa niya.

“Tapos papalabasin pa na si Andi ang maraming boyfriend.

“Sobra na yun. At may DNA test pa na hinihingi.

“Such a hypocrite and pathetic animal!”

Mahuhulaan na natin kung sino ang tinutukoy ni Mark, di ba?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply