Di pagdalo ni GMA sa SONA iginagalang ng Kamara

IRERESPETO ng liderato ng Kamara ang hindi pagdalo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes ng hapon.

Sa panayam kay House Speaker Feliciano Belmonte, sinabi niyang “I really say that is really privy to her and I will respect whatever her decision is on the matter.”

Si Arroyo bagama’t huli ay sumulpot ito sa plenaryo, 30 minuto matapos ang pormal na pagbubukas ng regular na sesyon ng alas-diyes ng umaga suot ang simpleng peach na blouse at palda na may kulay puting panloob.

Naunang kinumpirma ng kaniyang tagapagsalita na si Maitee Defensor na dadalo si GMA sa umagang sesyong subalit aalis ito matapos ang close door meeting ng minorya upang magtungo sa Porac, Pampanga.

Subalit iginiit ni Belmonte na bukod kay GMA, ang lahat ng miyembro ng Kamara ay dapat present sa SONA ng Pangulo.

“Sa tingin ko iyong talagang personal feelings niya are paramount. All other persons including her sons ought to be present.”

Impuntong alas-10:00 ng umaga nang pormal na buksan ni Belmonte ang ikalawang regular na sesyon ng Kamara para sa ika-15 Kongreso.

Bukod kay GMA ay dumalo rin ang kaniyang dalawang anak na sina Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo ngunit kapuna-puna ang pagkawala ng kaniyang bayaw na si Negros Rep. Ignacio Arroyo.

Kabilang sa mga prominenteng kongresista na nasa opening ng session ay sina Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Leyte Rep. Lucy Torres na inagapayan ng asawang si Richard Gomez, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at Lani Mercado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply