‘Di pantay na pagtingin sa mga vendor sa Recto

NAG-IIYAKAN ang mga vendor sa Claro M. Recto sa Binondo area sa kadahilanang may tinitingnan sa tinititigan daw sa outpost ng kapulisan ng PS11 ng Manila Police District (MPD).

Kandila ang nagsisilbing  ilaw ng ibang mga vendor pagsapit ng gabi dahil madilim sa kanilang mga puwesto kaya kahit kandila  lamang ang gamit nila ay pinagtitiyagaan na lamang nila ito para lamang may makain ang kanilang pamilya.

Pero ang masakit nito, yung mga vendor ng mga pekeng vcd at dvd ay may mga kuryente ang kanilang mga puwesto dahil ang kanilang kuryente ay nakakabit sa outpost ng Station 11.

Walandiyo naman, muk-hang hindi nga patas ang pag-tingin ng MPD-PS11 ni Station chief Supt. Ferdinand Quirante sa vendors.

Basahin natin ang kabu-uang nilalaman ng reklamo ng mga vendor.

Kuya Johnny, gud pm. Bakit dito sa Claro M. Recto, Binondo, kaming mga vendor ay kandila ang gamit pagsapit ng gabi.

Madilim, kaya lang itong mga nagtitinda ng DVD at VCD ay may kuryente.

Napag-alaman namin na nakakabit pala ang kanilang mga puwesto sa out post ng MPD-PS11.

Bakit pinapayagan ito ni MPD-PS11 Police Supt. Ferdinand Quirante? Kuya Johnny, ‘di ba bawal ito?

Sana malaman ni Mayor Lim ang ginagawang negosyo ng isang pulis na si San Pedro ang mga pailaw nito.

Salamat po.

ANG MGA BABAE ANG NINENEGOSYO

Patuloy pa rin na nininegosyo ng Lido de Parish KTV sa Ongpin, Sta. Cruz  ang  katawan ng mga babaeng nagtatrabaho sa nasabing establishment.

Walang takot palibhasa malakas ang ‘kapit’ nito sa mga tiwaling pulis sa MPD na pinamumunuan ni Gen. Roberto Rongavilla.

Ipinagmamalaki ng may-aring si William Chua  na okey siya kay Mayor Lim.

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 09189274764, 09266719269 o mag-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply