Dignidad ni Col. Rasauro Aceo

PAKIWARI natin, walang karapatan si S/Supt. Rosauro Aceo para tumagal pa sa puwesto bilang bossing ng Batangas Police Office.

Mula kasi nang matalagang police director ilang buwan pa lang ang nakararaan, naghari na ang masasamang loob sa lalawigan.

Nakawan dito, holdapan doon at ang grabe ay ang mga patayan na akala mo’y manok o aso lang ang mga pinapatay.

Kamakailan lamang, isang bemedalled police official at mismong intelligence officer ni Col. Aceo ang inambus at napatay.

At ayon sa inisyal na pagsisiyasat, ang may kagagawan ng paglikida kay Supt. Rodney Ramirez ay grupo ng iligalista.

Ito yaong sindikato na kinabibilangan ng ilang miyembro ng awtoridad at nagpapatakbo ng operasyon ng droga at sugalan.

Sa mga nakaraang liderato ng Batangas, ‘di nangyari ang sandamakmak na krimen, tulad ng pamunuan ngayon ni Col. Aceo.

Kung magiging totoo lamang si Col. Aceo, ‘di mamamayani ang kalokohan ng mga drug at gambling lord diyan sa Batangas.

Imbes kasi na pagtuunan ng pansin ang lumalalang krimen, ang pangongolekta ng ‘tong’ ang inaatupag ng pamunuan ni Col. Aceo.

Balita ng Chokepoint, milyon kada-buwan ang dumarating na ‘protection’ money sa opisina ni Col. Aceo mula sa mga lord.

Ang GLs na sina ‘Willy’ at ‘Laguz’ ay dalawa lamang sa napakaraming ‘lords’ daw na nagpaparating sa opisina ni colonel.

Sina ‘Willy’ at ‘Laguz’ ay mga loteng lord sa mga bayan ng Na-sugbu at Balayan sa lalawigan ni Gov. Vilma Santos – Recto.

‘Di natin sinasabi na kay Col. Aceo napupunta ang pera. Basta ang napag-alaman natin, may ipinaparating sa kanyang opisina.

Para maibsan naman ng lalawigan ng Batangas sa kahihiyan dahil sa pabagsak na ‘peace and order’,  kailangan eh magtrabaho si colonel.

Paghuhulihin ang mga lord at huwag ipagpalit ang dignidad ng kapulisan sa tong’ na nakukuha sa mga iligalistang yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply