DILG, CHR sisimulan ang imbestigasyon kay Duterte

SISIMULAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon kay Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio kaugnay sa pananapak sa isang court sheriff nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 1.

Inaasahan ngayong araw, Hulyo 4, ang pagdating ng investigating team na ipapadala ng DILG para magsagawa ng imbestigasyon kay Duterte sa court sheriff na si Abe Andres.

Ang team ang siyang naatasan ni DILG Secretary Jesse Robredo para alamin ang tunay na nangyari noong Biyernes sa demolisyon sa Soliman, Barangay Kapitan Tomas Monteverde, Sr. sa nabanggit na lungsod.

Maliban sa DILG, magsagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR-11) sa pangunguna ni Director Alberto Sepaco upang malaman kung may nagawang paglabag sa karapatang pantao si Duterte.

Ayon kay Sipaco, kahit may isasagawang imbestigasyon ang DILG, magpapatuloy pa rin ang sarili nilang imbestigasyon. Ang CHR ay magiging parallel umano sa gagawin ng DILG.

Si Duterte ay nakatakda namang mag-leave sa loob ng limang araw na magsisimula sa Hulyo 7 hanggang Hulyo 11.

Giniit na rin ni Duterte na ang dahilan ng kanyang leave ay upang hindi siya maakusahang iniimpluwensiyahan ang mga taong magsasagawa ng imbestigasyon.

Samantala sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na sinuway ng alkalde ang kautusan ng korte at si Andres ay tagapagpatupadd lang nito.

Dagdag pa ng senador, sumobra sa emosyon ang batang alkalde kaya niya nagawa ito dahilan para mapasama siya sa kanyang ginawang aksyon.

Pero para kay Sen. Panfilo Lacson, mas mabuti na ang ginawa ng mayor dahil naagapan ang mas matinding kaguluhan sa demolisyon tulad ng posibleng patayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply