DILG itinangging kinupkop si Bedol

TAHASANG itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na itinago nila si dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol ilang araw bago ito lumantad.

Sinabi ni Robredo na kahit Biyernes pa nila hawak si Bedol, hindi nangangahulugan na kinakanlong na siya ng ahensya.

Hindi lang aniya agad nai-turnover sa Commission of Election (Comelec) si Bedol dahil tiniyak pa ang seguridad nito.

Ipinaliwanag pa ni Robredo na kahit sa ilalim ng kanilang kustodiya, ginawa ni Bedol ang kanyang apat na pahinang affidavit na walang kapalit.

Nakasaad sa isinumiteng affidavit ni Bedol sa Comelec na si Andal Ampatuan, Sr. ang nagsabi sa kanyang iniutos umano ni dating Pangulong Gloria Arroyo na tiyaking zero ang boto ng noo’y senatorial candidates na sina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Alan Peter Cayetano at ngayon ay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III. Johnny F.Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply