Dingdong Dantes over acting na sa pagtatanggol sa nobyang okray na si Marianita Rivera

NANDODOON na tayo dahil nobya ni Dingdong Dantes itong si Marianita Rivera ay naturalamenteng ipagtatanggol ito ng actor sa mga nakakabanggang co-star o kung sino man. Pero ang napapansin namin ay mukhang nagiging over acting na ang aktor dahil kahit alam niyang kasalanan o mali na ni Marianita ay ayon pa rin siya nang ayon sa mga kadramahan nito.

Imagine, noong time na kinulong ni Marianita Gurangita itong co-star nila noon na si Bela Padilla sa matagal nang nagwakas nilang teleseryeng “Endless Love,” ayon pa sa nakasaksi, kitang-kita raw ng actor (Dingdong) habang tinatalakan o nilalait ng nobya itong si Bela pero wala siyang ginawa. Ni inawat man lang niya ang naghuhuramentadong halimaw na si Marianita Maldita ay di niya ginawa. Super deadma lang siya that time.

Ano ba ‘yan, under ka ba ng siyota mong aktres?

Tapos ngayon, dito naman sa latest kaaway ng karelasyon na si Heart Evangelista, Wala naman siyang alam sa gap ng dalawa, tama bang kanyang paratangan si Heart na “abusada?”

Porke nakakuha lang ng kanyang katapat itong si Marianita eh, nakuha na nitong insultuhin ang said young actress. Pagkatapos, nagbitiw pa raw ng statement ang actor na hindi na siya papayag na makapareha sa isang project sa GMA 7 itong si Heart. Naku, Mr. Dingdong Dantes, feeling ano ka ba? Sa tingin mo naman kailangan ka ni Heart sa kanyang career eh, andami namang mas guwapo at mahusay na actor kaysa sa iyo sa Kapuso network, no? Well, tingnan lang natin kung hindi mo pagsisihan balang araw ang magiging kapalaran mo kay Marianita Okray! Nakaka-olay, gyud!

***

Bela Padilla kolumnista na ng sikat na broadsheet

UY, sa mga hindi nakakaalam, aside sa kanyang pagiging mahusay na aktres, kung saan kasama siya ngayon sa afternoon teleserye ng GMA 7 na “Sisid,” isa na ring certified columnist ng Manila Bulletin itong si Bela Padilla at ayon pa sa business manager niyang si Ms. Claire dela Fuente, kasalukuyang nasa Thailand ngayon si Bela dahil ipinadala siya roon ng Manila Bulletin para mag-interview ng kanyang subject na ilalabas siyempre sa kanyang much awaited column sa nasabing broadsheet.

Nang unang lumabas ang column ng aktres kung saan fineature niya ang dating leading-man sa “Machete” na si Aljur Abrenica, isa kami sa tinawagan nito para basahin ito.

Well, nakita naming may future sa pagsusulat si Bela. Intelehente naman kasi ito at book reader kaya carry niya ang bagong job niyang ito. At sa kanyang pagbalik, aatupagin na naman nito ang ilan pang showbiz committments.

Kasama, pala ni Bela na nagpunta ng Thailand ang kanyang ever loving and supportive Mom na si Mommy Meg. P

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply