‘Dirty finger’ ni Duterte ipalilinis sa DILG

MAY karapatan umano na “freedom of expression” si Davao City vice mayor, Rodrigo Duterte, sa pananalita o sa kanyang kamay.

Ito ang kanyang tinuran sa kabila ng mga batikos na naglabasan patunkol sa kanyang “dirty finger” sa harap ng mga mamamahayag at galit sa mga komento ng media sa kanyang anak na si Mayor Sarah Duterte.

Binalingan din  nito ang Commission on Human Rights sa pagsasabing  “you do your job and I’ll do mine,” na nagpapahiwatig na huwag pakialaman ang pagpapatakbo ng kanilang siyudad.

Para kay Duterte, ang pagsuntok ng kanyang anak sa sheriff ng korte ay isang uri ng pagtatanggol sa mga mamamayan ng Davao na ng mga oras na iyon ay ide-demolish ang mga tirahan.

Naniniwala naman si Commissioner Etha Rosales ng CHR na may paglabag sa kagandahang-asal si Duterte bilang isang punong-bayan sa kanyang mga aksyon kaya’t maghahain ito ng reklamo sa Department of Interior and Local Government.

Hindi rin pabor ang pangulo ng Vice Mayors League of the Philippines na si vice mayor Isko Moreno at nagsabing ang pagdirty- finger ni Duterte sa publiko ay pamamarisan ng mga makapapanood nito at magpapalala sa mga ugali ng makakasaksi lalo na ang mga kabataan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply