Disenyo ng Skyway silipin sa mga disgrasya

ANO-ANO ba talaga ang mga dahilan ng mga disgrasya sa Skyway diyan sa South Luzon Expressway?

Human error o pagkakamali ng drayber? Pang-aabuso ng mga drayber gaya ng pagiging kaskasero? Depektong mekanikal ng mga sasakyan?

Dala ng panahon gaya ng tag-ulan para maging slippery when wet? O buhawi at maitim na ulap na may kasamang malakas na ulan?

Maaari.

PALPAK NA DISENYO NG SKYWAY

Pero hindi kaya may depekto o palpak mismo ang Skyway?

Tingnan ninyo, mga Bro.

Bago nahulog ang Dimple Star bus na ikinamatay ng ilang katao, may nahulog na ring armoured truck diyan.

Kung tutuusin, hindi makatakbo nang mabilis ang ganitong uri ng sasakyan kahit kaskasero pa ang drayber; higit na mas mabigat kaysa bus at hindi basta matatangay ito ng buhawi; hindi basta nadudulas at dahil sensitibo ang nilalaman ng mga ito gaya ng malalaking bulto ng salapi,  mahuhusay ang mga drayber at laging nasa good running condition ang mga ito.

Ngunit bakit may nahulog na armoured truck sa Skyway? At nahulog nga rin ang nasabing bus.

Hindi nga kaya may depekto talaga and disenyo nito at kahit gaano kaingat ang driver, kahit gaano kahusay ng sasakyan at kahit gaano kahusay ang panahon, eh, mahuhulog at mahuhulog ang sasakyan sa Skyway?

TONGPATS SA SKYWAY

MAY kinatatakutan tayo riyan sa Skyway.

Yun bang === basta na lang tinatanggap yata ng mga nasa gobyerno ang sinasabi ng SOMCO o Skyway O & M Corp., operator ng Skyway.

Basta sinabi ng SOMCO na perfect at nasa international standard ang Skyway, yun na yun, at kung may disgrasya man, kasalan yan ng mga may sasakyan.

Magkano ba ang dahilan at tila wala yatang balak ang mga batang PNoy na muling isalang sa masusing pag-aaral ang Skyway?

Hindi kaya dumaan ito sa liko-likong daan noon kaya nagiging killer Skyway ito?

At ang liko-likong paggawa rito noon ay siyang dinaraan naman ngayon ng may mga liko-likong daan din?

Mr. President, gusto naming marinig na isasalang ninyo sa masusing pag-aaral ang Skyway bago masundan ang mga nakamamatay na disgrasya riyan.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply