Diskwento sa petrolyo inihirit para sa seniors

PAGKAKALOOBAN ng 20% diskuwento ang mga senior Citizen para sa lahat ng produktong petrolyo at lubricants sa Maynila.

Ito ang nais na mangyari ng isang mambabatas sa ginanap na Pulong Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan,

Sa panukalang ordinansa ni 4th district Councilor  Don Juan “DJ” Bagatsing, sakop umano ng panukalang ordinansa ang lahat ng establisimiyento sa Maynila na nagbebenta ng produktong petrolyo.

Ang mga senior citizen na nagmamaneho ng mga pribadong sasakyan o may-ari ng sasakyan lamang ang pagkakalooban ng 20% discount.

Hindi naman kuwalipikado sa nasabing diskuwento ang mga senior citizen na family o company driver na nagmamaneho ng pribado o public utility vehicle at ginagamit para pagkakitaan.

Kinakailangan namang  may maipakitang Senior citizen identification card na inisyu ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng lungsod ng Maynila ang mga nagmamaneho ng pribadong sasakyan upang mabigyan ng diskuwento sa produktong petrolyo at lubricants.

Kaugnay nito, ang sinumang mapapatunayang lumabag sa nasabing ordinasa ay papatawan ng pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalagpas sa anim na buwan at multang P5,000.00.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply