Diyos ko, day: ‘Di pajero

NAGKANDAHETOT-HETOT ang buhay ng mga Obispo ni yumaong Cardinal Sin dahil sa kuwentong Pajero boys, este, Magic 7 sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sa puwersa ng Magic 7, tumitigas o lumalambot ang paninindigan ng mga Obispo kahit sa anong usapin.

Para silang paksyon na kung papanig sa isang isyu, tatagilid ang buong CBCP kung kumontra ang mga ito.

At mananatiling korap ang mga korap, habang tuloy-tuloy naman ang hapi-hapi ng mga Obispo.

Pero itinatanggi naman ng ilang Obispong ito ang para-tang sa kanila.

May umamin na tumang-gap siya ng sasakyan pero handang isauli ito anytime kung iuutos ni PNoy.

Hek, hek, hek, bakit pa inaantay si PNoy na mag-utos?

Misteryo yan.

Pero kung titingnan ang Bibliya, maging ang Diyos ay flexible o parang lastiko.
Pupuwede siyang gumamit ng ahas na simbolo ng demonyo para lamunin ang ahas ng hindi naniniwala sa kanya.

Pupuwedeng gumamit ang Diyos ng bitay para mawalis ang mga tiwali o makasalanan at magkaroon ang iba ng bagong buhay.

Kaya naman, pupuwedeng gumamit ng regalo mula sa PCSO o kahit mula sa mga korap o sugarol gaya ng mga taga-PCSO basta’t mapunta ito sa mga nangangailangan?

Hek-hek-hek!

Sinomang walang kasala-nan sa PCSO,  Malakanyang at Kongreso, siya ang dapat na mambato sa mga makasalanang obispo.

O sige na, batuhan na!

Carry niyo bang mambato sa mga Obispo na tumanggap ng mga Pajero?

Pero kung may Magic 7 sa mga Obispo, mayroon ding mga walang keber dito.

Ang inaatupag nito ay magpasok sa gobyerno ng gustong magkapuwesto.

Gusto mong maging judge o hepe ng mga ahensiya ng gobyerno? Lapitan mo lang si Obispo at ikokontak ka niya sa Kongreso o Malakanyang.

Walang Gloria-Gloria, walang PNoy-PNoy sa kanya  dahil masahol pa ito sa balimbing.

Kaya wala siyang nakakaaway na pulitiko at panay friends niya ang mga boss sa Kongreso at taga-Palasyo.

Diyos ko, Day. May DD sa buntot ng kanyang ngalan.

O kilala na ba ninyo siya?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply