DOH nagbabala sa paggamit ng tuko bilang gamot

MARIING binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa paggamit ng tuko (gecko sa Ingles) bilang gamot sa sakit na asthma o hika at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Ang pahayag ng DOH ay kasunod na rin ng naglalabasang balita na marami ang nanghuhuli ng tuko upang ibenta dahil sa paniniwalang nakakagamot ito sa iba’t ibang sakit tulad nga ng AIDS at hika.

Ayon sa DOH, hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng tuko bilang lunas sa mga karamdaman dahil sa halip na makagamot ay posibleng magdulot pa ito ng mas matinding panganib sa mga pasyente.

Hanggang ngayon ay wala pa rin naman anilang pag-aaral na magpapatunay na nakakagamot ang tuko sa AIDS at hika.

“The use of geckos as cure, which is unproven and have no scientific basis,” anang DOH.

“It could be dangerous because patients might not seek the proper treatment for their diseases like asthma which could become more serious and later require hospitalization and other more complicated as well as more expensive treatment. Further, this is likely to aggravate their overall health and put them at greater risk,” dagdag pa ng DOH.

Iginiit ng DOH na marami namang mga epektibong gamot para sa hika sa kasalukuyan na may murang presyo.

Para naman sa mga may AIDS, mayroon na anilang mga antiviral medications na maaaring makatulong para makontrol ang pagkalat ng sakit.

Kaugnay nito, pinayuhan ng DOH ang mga may hika at AIDS na kumonsulta sa manggagamot at gumamit ng mga gamot na aprubado ng mga eksperto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply