DOJ ‘di payag na maging state witness si Zaldy Ampatuan

“HINDI namin siya kailangan,”

Iyan ang tahasang reaksyon ni Justice Secretary Leila de Lima sa alok ni suspindidong Autonumous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan na tumestigo laban sa kanyang ama at mga kapatid sa kasong Maguindanao Massacre.

Ipinaliwanag ni De Lima na upang maging isang state witness, kinakailangang siya ay may partisipasyon sa krimen at may susuporta sa kanyang testimonya, dapatpuwa’t hindi ito dapat kabilang sa mga pinaka-guilty sa krimen.

Pero sa kaso umano ni Zaldy, hindi naman niya inamin ang partisipasyon sa masaker at maging sa pagpaplano ng krimen ay hindi rin siya nakasama.

Sinabi pa ng kalihim, may mga hawak na testigo ang prosekusyon na nagtuturo kay Zaldy na may partisipasyon sa karumal-dumal na masaker na kumitil sa 58 buhay, kabilang ang 32 mamamahayag.

Malabo na rin umano ang reinvestigation sa kaso dahil nasa kalagitnaan na ang paglilitis at bukod doon, may nakabinbin na rin aniyang petisyon si Zaldy sa Court of Appeals na kumukwestiyon sa pagkakasali niya sa listahan ng mga akusado.

Nakausap na rin umano ni De Lima ang kampo ng ilan sa mga private respondent, kabilang na si Maguindanao Esmael “Toto” Mangudadatu at ang kanyang abogado na si Atty. Nena Santos na tahasang tumanggi sa alok ni Zaldy.

Una nang sinabi ni Zaldy na handa siyang ibunyag ang lahat at wala na siyang pakialam kung magalit man sa kanya ang kanyang ama at mga kapatid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply