Doktor ni Zaldy pinagpapaliwanag ng prosekyutor

HINILING ng state prosecutors sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) na ipatawag ang attending physician ng suspendidong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan dahil sa pagrekomenda nito sa kanyang pasyenteng makapanatili ng mas matagal sa Philippine Heart Center (PHC)

Sa tatlong-pahinang mosyon, sinabi ng state prosecutors na ang patuloy na pananatili ni Ampatuan sa PHC ay magiging isang malaking panloloko para maestablisa o masaikatuparan ang ikinakasa nitong “hospital arrest.”

Pinayagan ni Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na manatili si Ampatuan sa PHC nang magbabala ang doktor nito na mayroong senyales ang kanyang pasyente ng heart failure. Sa inisyal na kautusan, pinayagan lamang ng korte si Ampatuan na pumunta sa PHC para maging isang “out-patient.”

“Truth to tell, it is appalling that accused was still able to push for the immediate conduct of his medical examination despite the court’s own observation of the non-urgency for the same,” pahayag pa ng mga prosekutor.

Sa katunayan, kaya anila tinabla ng St. Luke’s Hospital sa Taguig ang kahilingan ni Ampatuan para sa isang out-patient examinination dahil hindi naman kailangan o non-urgency na maratay at ang kanyang kondisyon ay hindi naman life threatening base na rin sa rekomendasyon ng  naging doktor nito.

Sinabi rin ng mga prosekyutor na mismong si Ampatuan ay hindi pumalag na i-arraign muna siya bago payagang maikasa sa anumang out-patient examination.

“It was only on the condition that [Ampatuan] be first arraigned, and that an independent government physician be made to examine him, that the prosecution acceded to a confinement of at most one day,” saad pa nila.

Sa halip, ang nangyari ay naisahan ni Ampatuan ang korte sa pagpayag sa kanya na maisailalim sa kanyang out-patient examination at sa katunayan ay namamaniobra ngayon ang kanyang gusto talagang mangyari na siya ay isailalim sa hospital arrest sa pamamagitan ng pagtulak para ito ay maratay.

Sinabi pa ng mga prosekyutor na hindi dapat payagan ng korte na mangyari ang halatang pang-iisa ni Ampatuan, “otherwise a great disservice to justice would necessarily result,” pagtatapos pa nila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply