Doktora na si Elizabeth Oropesa?

“DOKTORA na nga ba si Elizabeth Oropesa? Saan siya nagtapos ng Medicine?” tanong sa amin ng isang kaibigan isang gabing nagdi-dinner kaming magkakabarkada sa isang restoran sa Makati?

“Ha? Doktora ng ano? Ng Medicine? Ng Philosophy? Science? Education?” sagot naman namin na patanong din.

“Ni hindi nga namin nabalitaang tapos ng college si Oropesa, kaya paano siya magiging doktora ng kung-ano?” dagdag namin.

“May bagong libro kasi si Paloma, yung astrologer-feng shui expert. At the back of the book, may quote from a certain Dr. Elizabeth Oropesa Freeman na may Ph. D. raw at A. M. D. raw. Di ba yung award-winning actress yon na marami ng naging asawa, including Meng Fei at yung isang stunt man na 20 years younger sa kanya na Danny Ramos yung pangalan?” dagdag na tanong ng kaibigan namin na nakabibilib din naman ang kaalaman sa showbiz.

“Siya nga yon. Freeman ang talagang apelyido n’ya nung dalaga pa siya at naging beauty queen. Ang alam ko faith healer na siya, o natural healer. Di ko alam kung sino’ng asawa o ka-live in n’ya ngayon. Ang alam ko, matagal na silang naghiwalay nung Danny Ramos. Pero di ko nabalitaang nag-aral siya at nagka-doctorate in Philosophy o Ph. D. Sorry, di ko alam kung ano’ng ibig sabihin ng AMD,” sagot na naman namin. Nung idinaan namin sa bahay n’ya ang babaing kaibigan namin na yon, ipinakita n’ya sa amin ang libro ni Paloma na “Your Emergency Survival Handbook” ang titulo. Ang sikat na Anvil Publishing ang publisher nito. At sa back cover ay may blurb nga from Ramon Tulfo, Korina Sanchez, at Dr. Elizabeth Oropesa Freeman. (Hindi namin napuna kung pati si Kris Aquino, na kliyente rin ni Paloma, ay may blurb din. Tumigil kami sa pangalan ni Oropesa, dahil nalula kami sa “credentials” n’ya.)

Later, pagkauwi namin ng bahay, nag-Google agad kami at napag-alaman namin na nitong June 30, lang pala ini-launch ang libro ni Paloma (na Garcia pala ang apelyido), at nung 2008 pa pala ginagamit ni Oropesa ang titulong “Dr.” dahil nag-aral daw pala siya ng doctorate in Philosophy at doctorate in Alternative Medicine sa Open International University for Complementary Medicine sa Colombo, Sri Lanka.

Sa kaka-Google namin, we also discovered na nung 2008, writer Marge Enriquez reported about Oropesa as Dr. Freeman in the Philippine Daily Inquirer. Google also led us to the discovery na lahat pala ng nag-aaral sa OIUFCM ay tinatawag na “doctor” kahit na anong short o long course ang inaaral nila du’n. And for unexplained reasons, allowed ang mga nagtapos du’n na ikabit ang “Dr.” sa pangalan nila. Parang hindi na nila kailangang kumuha ng government licensure exam sa Sri Lanka o kung saan pa man para ikabit ang “Dr.” sa pangalan nila.

Pero sa Pilipinas, nakaugalian na na ang mga nagtapos ng doctor of medicine, doctor of dental medicine, at doctor of optometry ay kailangang makapasa muna ng board exam, maisyuhan ng lisensya ng Professional Regulatory Commission bago nila pwedeng ikabit ang “Dr.” sa pangalan nila. At para maging Doctor of Philosophy ka, o Doctor of Science, o Doctor of Education, dapat ay nakagawa ka ng dissertation, nai-defend mo yon before a panel of examiners, at binigyan ng rating ang dissertation mo. At bago ka maka-enrol sa isang doctoral program, dapat ay tapos ka na ng master’s degree, at nag-defend ka ng masteral thesis mo. Kapag non-thesis ang master’s degree mo, di ka pwedeng mag-doctorate. Siyempre pa, bago ka makaenrol sa Master of Arts o Master of Science, dapat ay tapos ka ng college.

Wala kaming nahanap sa Internet na bio-data ni Oropesa na nagsasabi kung saan siya nagtapos ng college. Wala ring Internet entry kung saan siya nagtapos ng Master of Arts o Master of Science.

Oo nga pala, may nahanap kaming press release sa Internet na nagsasabing nung March 9, 2008, isa si Dr. Elizabeth Oropesa Freeman sa mga pinarangalan ng International Association of Educators for World Peace bilang Ten Outstanding Filipino Natural Healers. Sa Manila Pen ginanap supposedly ang awards night. Ewan lang kung dumating si Dr. Freeman. Ang nasabing asosasyon ay pinamumunuam ng isang Dr. Josef Ubaldo.

Nung 2008, ayon sa Inquirer article ni Marge Enriquez, may “clinic” si Dr. Freeman sa Fairview, QC. Ayon pa rin kay Enriquez, nagtayo si Dr. Freeman ng “healing” resort sa Donsol, Sorsogon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply