DOLE nagpaliwanag sa ‘exit only’ sa visa

PINASINUNGALINGAN ng Department of Labor and Employment ang sinasabi ng Migrante International na nagsimula nang pairalin ng Saudi Arabia ang Saudization.

Ayon sa Migrante, tinatatakan na ang mga working visa ng mga overseas Filipino worker ng “exit only” na palatandaan ng Saudization at maaaring mawalan ng trabaho ang may 200,000-400,000 mula sa nasa 1.8 milyong OFW sa nasabing bansa.

Sa Saudization, papalitan na ng mga taga-Saudi ang mga dayuhang obrero kaya magbubunga ito ng pagpapatalsik sa mga ito, kabilang na ang mga OFW.

Kapag tinatakan ng “exit only” ang papeles ng OFW, neber na itong makababalik pa sa Saudi at magtatrabaho dahil sa Saudization.

oOo

Sa sulat ni Joseph de Leon, hepe ng DOLE Media and External Relations Division, sa atin, maaaring tinutukoy ng Migrante ang itinatatak sa mga paliparang Saudi na “exit visa” sa passports ng lahat ng pasahero ng mga eroplano na umaalis sa Saudi.

Pero ang talagang tatak na “exit visa”, maging ang “re-entry visa” na tumutukoy ng pagtatrabaho o di end ng empleyo ay hindi ginagawa sa mga paliparan kundi sa Passport Department o Jawasat ng Saudi.

At hindi basta nababago ang visa status sa mga paliparan kahit sa pamamagitan ng computer.

Pero ang tatak na ito ay ginagawa lamang makaraang dumaan sa proseso ang dayuhang obrero gaya ng pag-iisyu ng employer ng pahintulot sa release at magkaroon ng malinis na rekord sa pulisya, bangko at iba pa ang obrero.

May pasubali nga lang ang DOLE.

Jas in keys na umiiral nga ang Saudization, kumontak lang umano ang OFWs sa OWWA at magrehistro para matulungan silang magka-roon ng panibagong empleyo o makapagnegosyo kaya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply