Dole, OWWA handa sa ban ng OFWs sa Saudi

NAGHAHANDA na  ang pamahalaan sa may 90,000 overseas Filipino worker (OFW) na napipintong mawalan ng trabaho sa Saudi Arabia  matapos ipatupad ng gobyerno ng nasabing bansa ang programang “Nitagat.”

Ang Nitagat ay nagtatakdang ibigay sa mga mamamayang Saudi Arabia ang mga trabahong ginagawa ng mga OFW.

Bago ito ay ipinairal ng nasabing bansa ang ban sa mga domestic helper at iba pang kaparehas na trabaho nang tumanggi itong taasan ang sahod ng mga domestic helper at bigyan ang huli ng seguridad laban sa mga pang-aabuso ng mga employer.

Plano ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (Dole) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na palakasin ang mga programa na magbibigay kaalaman sa negosyo sa mga matatamaan ng ban ng Saudi Arabia.

Layunin ng dalawang ahensya na paigtingin ang “Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay Project” na magbibigay din ng lakas ng loob sa mga babae na magnegosyo na lamang sa iba’t ibang larangan.

Kasama sa mga negosyo na itinutulak ng dalawang ahensya ay reflexology, cosmetology ,paggawa ng sabon, pabango at herbal na gamot, paggawa ng bag at cellular phone, plumbing, welding, electrical at appliance repair at maging ang mga produktong handicraft.

Maaari ding makinabang ng P10,000 livelihood package mula sa programang National Reintegration para sa mga OFW habang nagpalabas na ng P27-milyon pondo ang Palasyo para sa mga OFW na mga domestic helper.

Nababahala naman ang Palasyo sa epekto ng ban sa ekonomiya dahil ang Saudi Arabia umano ang isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga OFW at pinakamalaking pinagkukunan ng dolyar ng mga Pilipino. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply