DOTC aminadong kailangang itaas ang MRT, LRT fare

INAMIN ngayon ni Transportation Secretary Mar Roxas na may pangangailangan na itaas ang pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) upang mapaganda aniya ang pasilidad at serbisyo ng mga ito.

Paliwanag ni Roxas, malaki ang kakulangan sa mga bagon at kiinakailangan din ang karagdagang signaling software upang mapadali ang pag-alis at pagdating ng mga tren sa mga istasyon.

Binigyang diin ni Roxas, para maisakatuparan ang naturang proyekto ay kinakailangan aniyang magtaas ng singil sa pasahe.

Gayunman, hindi na idinetalye pa ni Roxas kung magkano ang posibleng dagdag sa singil sa pasahe sa LRT at MRT at kung kailan ito ipatutupad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply