Double whammy ingatan

MAY babala ang Metro Manila Development Authority at mga kinatawan ng local government units sa mga mamamayan, partikular sa mga naninigarilyo kaugnay ng ordinansang anti-smoking ban.

Bukod sa pagbabawal sa paninigarilyo, ay mahigpit ding pinahihigpitan ang pagkakalat
sa lansangan, maging upos ng sigarilyo at mumunting basura.

Di ba’t may paalaala pa na nakapaskil sa mga pader na munting basura ibulsa muna at itapon sa mga madaraanang basurahan?

Biruin mo na kung masita ka ng paninigarilyo at maaktuhan pang nagtatapon ng upos sa ipinagbabawal na lugar.

Hindi ba double whammy o malas ang aabutin mo?

oOo

Bakit nga ba? Ang tanong ng mga sumasakay sa mga motorized tricycle partikular sa biyaheng MCU-Morning Breeze-Bagong Barrio, Caloocan City.

Ang dating P8.50 ay itinaas na sa P9 na sa palagay ng kolum na ito ay kusa lang na gawa-gawa ng mga magtatraysikel sa lugar.

Bukod dito ay hindi na pinahahalagahan ng mga driver ang mga karapatan ng mga senior citizen hinggil sa 20% diskuwento sa kabila ng Senior Citizen’s ID na may lagda pa mismo ni Mayor Recom Echiverri.

Bukod sa may ilang bastos na driver, umaangal pa ang ilang pasahero na wala sa tamang kasuotan ang mga tricycle driver na bumibiyahe sa naturang ruta.

oOo

Tila maagang pamumulitika ang nangyayari sa lungsod ng Maynila at maging sa lungsod ng Caloocan.

Muling nabuhay si dating DENR Sec. Lito ‘Bulaklak’ Atienza ng Maynila nang ungkatin sa huling pagkakataon ang isang panukalang batas na inaprubahan ng Manila Council sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer na si Isko Moreno na gumawa ng isang ordinansa habang nasa ibang bansa si Mayor Alfredo S. Lim.

Katulad din sa lungsod ng Caloocan, dahil sa maagang pamumulitika, ay sinampahan din ng kaso sa Office of the Ombudsman si Vice Mayor Egay  Erice  sa pagkakasangkot sa isang kontrata na hindi naman sa lungsod ng Caloocan naganap.

Matunog kasing pumupor-ma na ang batang bise alkalde na papalaot sa pagka-meyor ng lungsod na ang makahaharap o makakalaban ay ang batikang kinatawan ng Unang Distrito na si Congressman Oca Malapitan at ang minamanok ni Recom na si Rico Judge Echiverri na anak mismo ni Mayor Recom.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply