DPWH nakahanda ngayong tag-ulan sa Cordillera

NAKAHANDA na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tumugon anumang oras na magkaroon ng pagguho o “landslides” sa mga pangunahing kalye sa Cordillera Administrative Region (CAR) ngayong tag-ulan.

Ayon kay Constante Sarmiento, pinuno ng Engineering Division ng DPWH-CAR, may mga District Engineering Office ang DPWH sa bawat probinsiya na laging handang tumugon at mag-mintina ng mga national road sa kani-kanilang lugar.

Maliban dito, mayroon din silang mga kaagapay sa pribadong sektor na kanilang kinontrata oras na kailangan mag-road clearing operations.

Inihayag din ni Sarmiento, sa tuwing may ulat pa lamang ng parating na bagyo ay maglalagay na sila ng mga road clearing equipment sa mga landslide-prone area.

Kaugnay nito, nagbigay din muli ng babala si Sarmiento na kapag nagpatuloy ang ulan ng ilang araw ay awtomatiko nang ipinagbabawal ng DPWH sa mga motorista ang pagdaan sa Kennon Rd. dahil ito ay itinuturing na landslide prone.

Ang Kennon ay itinuturing na isa sa mga pangunahing kalsadang paakyat sa siyudad ng Baguio.

Kaugnay nito, may iminungkahi ni Baguio Rep. Bernardo Vergara na isaayos ang naturang kalsada upang maging all- weather road ito.

Sa kasalukuyan, ang DPWH, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation and Communications (DOTC), ay may abiso nang inilabas na nagbabawal sa mga mabibigat na trak at mga pampasaherong bus na dumaan sa Kennon Rd.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply