DPWH-NCR director sinibak dahil sa SALN

INIUTOS ngayon, Biyernes, ni acting Ombudsman Orlando Casimiro ang pagsibak sa serbisyo ng direktor ng National Capital Region (NCR) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagsisinungaling sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Sinibak sa trabaho si Josefino N. Rigor, director ng DPWH-NCR, matapos kasuhan ng Serious Dishonesty and Falsification of Official Documents.

Umaksyon ang Ombudsman base sa motion for reconsideration na isinumite ni Public Works Secretary Rogelio L. Singson sa Office of the Solicitor General.

Matatandaang sa isang order noong Abril 29, 2011, napatunayang guilty si Rigor sa kasong simple negligence at pinatawan ng P1,000 danyos, na nag-ugat sa misrepresentation sa deklarasyon niya sa kanyang SALN.

Ayon sa Ombudsman, ang DPWH ay may ligal na interes sa nasabing bagay na nakabase sa departamentong pumili ng tapat at mapagkakatiwalaang empleyado upang mapanatili ang kanilang integridad.

Ani Ombudsman, nagsinungaling si Rigor sa hindi pagsasabi ng totoo niyang SALN sa pamamagitan ng pagpapangalan ng iba niyang ari-arian sa kanyang asawang si Anastacia Corpus.

Hindi naipahayag ni Rigor ang kanyang mga SALN para sa 1999-2002, mga pag-aari ni Anastacia kasama na ang kanyang mga business interest sa dalawang korporasyong Kontrata Construction, Development Corp. at Disneyland Bus Line, Inc.

Dagdag pa rito, napatunayang ang SALN na isinumite ni Rigor sa 1972-1998 ay inayos lamang ni Rigor at pinalitaw na ito pa rin ang mga SALN niya noong 1972 hanggang 1998.

Higit pa riyan, ang mga SALN para sa 1972-1998 ay walang tatak na opisyal na tinanggap ng departamento ang mga ito.

Ang 1981-1998 SALN ay hindi rin isinumite sa batas.

Ani Casimiro, may malisya sa tunay na intensyon ni Rigor kung kaya nagsinungaling sa kanyang mga SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply