Drayber binurdahan ng saksak, tigok

NAMATAY ang isang 38-anyos na drayber makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng dalawang suspek Linggo ng madaling araw sa Taguig City.

Dead on the spot bunga ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bikitma na kinilalang si Jose Erwin Mancio at residente ng 14-A Kalachuchi St. Western Bicutan sa nabanggit na lungsod

Kinilala naman ni Police Senior Superintendent Tomas Apolinario Jr, hepe ng Police Station 6 ng Taguig City Police ang mga suspek na sina Winifredo Empredo, 35 at kapatid nitong si Raymundo Empredo, 29, na kapwa residente rin Kalachuchi St. Western Bicutan, ng lungsod nasabing .

Batay sa ulat ng Taguig City Police, nangyari ang insidente kaninang 12:30 ng madaling araw sa Kanlas St. panulukan ng Manggahan St., Western Bicutan, sa nabanggit ding lungsod.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, bago naganap ang insidente nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng mga suspek na humantong sa pananaksak sa biktima.

Nagawa pang makapanlaban ng biktima at ginantihan ng saksak ang suspek na si Winefredo na tinamaan sa kanang bahagi ng kaniyang katawan.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na pananaksak.

Samantala, nakapiit na sa himpilan ng PS6 ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply