Drayber na umararo sa 16 sasakyan mahaharap sa maraming kaso

MAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang drayber ng Aljane Lines na umararo sa 16 na sasakyan at ikinasugat ng 15 katao kahapon ng hapon sa Brgy. Bagani Campo, Candon City, Ilocos Sur.

Nabatid na nagsasagawa na rin ngayon ng imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board regional office (LTFRB RO-1) sa nangyaring insidente kung saan sangkot ang drayber na si Cesar Pescador, ng Pob. West, Pidigan, Abra.

Ayon pa sa ulat, nakatakdang magpdala ng summons sa Lunes ang LTFRB sa operator ng bus upang pagpaliwanagin sa nangyaring aksidente.

Posible rin na sa nasabing araw ay pansamantalang suspendihin muna ng LTFRRB ang operasyon ng bus habang isinasagawa ang pagsisiyasat.

Unang napaulat na nawalan ng preno ang naturang bus at sumalpok sa harap ng paaralan na ikinasugat naman ng ilang mga estudyante at tricycle drivers.

Samantala, patuloy pa ring ginagamot ang ilang nagtamo ng sugat sa nangyaring insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply