Drayber utas, 20 sugatan sa road accident

NAMATAY ang drayber habang nasugatan naman ang 20 pasahero, nang lumipad at bumaligtad ang pampasaherong dyip sa Bacoor, Cavite Huwebes ng umaga.

Nakilala lamang sa alyas “Poldo” ang namatay na drayber dyip (PVZ-179).

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pag-asa precinct station ng Bacoor Philippine National Police (PNP), ang insidente ay naganap dakong 7:45 ng umaga sa harap ng Statefield, Molino-Zapote Road patungong Baclaran nang mawalan ng preno ang minamanehong sasakyan ng biktima.

Dahil matulin ang pagpapatakbo, tinangka ng driver na irampa sa mataas na lupa ang sasakyan sa pag-aakalang titigil ang sasakyang nawalan ng preno.

Dahil sa tulin ng papapatakbo lumipad ng ilang metro sasakyan bago ito bumaligtad na ikinamatay ng biktima at ikinasugat ng 20 pasehero.

Agad na dinala Maluto Hospital sa Imus Cavite ang mga nasugatan upang malapatan ng lunas.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng namatay na drayber.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply