Driver nagbigti nang iwan ng mag-ina

NAGBIGTI ang isang driver matapos iwan ng ka-live-in kasama ang kanilang anak sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Dedo na nang makita si Ed Cruz, 31, ng Sawata, Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 1:30 ng madaling-araw nang makitang nakabigti gamit ang electrical cord ng biktima sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay.

Nabatid na napansin ng mga kaanak ng biktima na palaging nagmumukmok sa loob ng kuwarto si Cruz matapos iwan ng ka-live-in at anak na hindi na nakuha ang pangalan hanggang makitang nakabigti.

Inaalam na ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply