Driver, 2 pasahero patay sa nahulog na sa bus sa Skyway

PATAY na ang driver at dalawang pasahero sa nahulog na bus sa Skyway,  sa South Luzon Expressway kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa Parañaque Medical Center ang driver na si Joven Justo, 31, at ang pasahero na si Anthony Abarra at isa pa bunga ng pagkakabasag ng bungo at bali ng buto sa katawan, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng isa pa.

Patuloy namang nilalapatan ang iba pang biktima na kinabibilangan ng kunduktor na si Jonathan Alevar.

Nauna nang iniulat na 11:10 ng umaga nang mahulog ang Dimple Star Transit na may body No. 7511 sa tapat ng Schinki Company na nasa West Service Road, South Super Highway, Marcelo Green, Parañaque.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply