Driver utas sa carjackers, SUV tinangay

PATAY ang isang driver nang sumalakay ang mga carjacker kung saan isang luxury car ang matagumpay nilang natangay matapos pagbabarilin ang una sa Quezon City kaninang umaga.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente si Marlon Quincho, 33, driver ng pamilya ni Atty. Raul Vasquez  ng Geronimo St., Brgy. Tandang Sora, Quezon City  sanhi ng tinamong anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente bandang 5:30 ng umaga habang nililinis umano ng biktima ang itim na Mitsubishi Montero SUV (NTO-591) ng pamilya sa tapat ng bahay ng amo sa nasabing lugar malapit sa Tandang Sora at Mindanao Avenue.

Ayon sa ilang testigo, habang abala sa paglilinis ng sasakyan ang biktima ay nilapitan siya ng tatlong kalalakihan bago pinagsusuntok at ginulpi ngunit nanlaban ang biktima hanggang sa isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Makaraan ay mabilis na nagsisakayan sa kotse ang mga suspek bago mabilis na pinasibad palayo sa lugar.

Noong June 15 lamang ay pinagbabaril din at sinasagsaan pa ng carjackers ang 34-anyos na si Teresa Teaño, matapos sapilitang tangayin ang kanyang pulang Hyundai Accent.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply