Drug campaign sa Marikina tagumpay

INIHAYAG ng Marikina City government na naging matagumpay ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga matapos na maaresto ang lima katao na kabilang sa most wanted list.

Ayon kay Marikina Mayor Del de Guzman, nagbunga nang malaki ang kanilang programa kontra sa iligal na droga kung saan naging epektibo ang kampanya sa mga barangay tanod at pulisya.

Dahil dito, ginawaran ng pagkilala ng alkalde ang 21 pulis at mga tanod na tumugon sa kampanya.

“We highly commend our brave personnel who are responsible for the apprehension of drug pushers and drug users in our city. With this, I also urge all our employees to report to our public safety personnel should they heard of any drug-related activity,” ani Mayor De Guzman.

Nabatid kay Councilor Frankie Ayuson, chairman ng Committee on Dangerous Drugs ng Marikina, na pinaigting nila ang kampanya dahil 70 porsiyento ng mga krimen sa lungsod ay may kaugnayan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Itinalaga rin ni Mayor De Guzman si Vice Mayor Jose Fabian Cadiz bilang action officer ng Marikina Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at pinakilos din ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Student Council Against Dangerous Drugs (SCADD).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply