Dumukot sa mag-inang Kano walang mensahe

WALANG ipinadadalang mensahe sa pamahalaan ang mga dumukot sa mag-inang American national at pamangkin nito noong nakaraang Martes ng madaling araw sa Zamboanga City.

Humigit-kumulang na 12 armadong rebelde ang dumukot sa biktimang si Gerfa Yeatts Lunsmann, ang anak na lalaking si Kevin, 14, at ang pamangking Filipino na si Romnick Jakaria, 19, nang pasukin ang tinutuluyang bahay ng kanilang kamag-anak sa liblib na barangay sa Tigtabon Island.

Batay sa ulat ng crisis committee, inaalam pa nila ang report na ang mga kinidnap na biktima ay dinala ng dalawang bangka sa Basilan Island.

Ayon naman kay Punong Barangay Attang Mohammad Nur Tigtabon, ang mga biktima ay kumpirmadong nasa Basilan, pero hindi pa alam kung saan ang eksaktong lugar kung saan itinatago ang tatlong hostage.

Ayon kay Chief Supt. Bienvenido Latag, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police director, wala pang natatangap na report ang Basilan intelligence operatives kaugnay sa pagkilos ng mga suspek kasama ang mga biktima.

Inatasan na ni Lobregat ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa pamumuno ni Senior Supt. Mario Rariza, na magsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Lobregat, nakausap na ng crisis management committee ang 15 testigo sa  Tigtabon na nakasaksi sa pagdukot sa mga biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply