Dumukot sa mag-inang US citizen MILF

ANG Moro Islamic Liberation Front (MILF) Special Operation Group ang itinuturong responsable sa pagdukot sa mag-inang US citizen kasunod ng impormasyong nagsisimula na ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga bihag kasunod ng pagpaparating ng ransom demand para sa kalayaan ng kidnap victims.

Nitong Linggo ay ibinunyag ng crisis management committee na pinamumunuan ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat na nag-umpisa na ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mag-inang Lunsmann at sa pamangkin nitong Pinoy.

Itoy kasunod ng ulat na nakikipag-ugnayan na ang kidnappers sa mga kamag-anak ng mga biktima sa Mindanao.

Inihayag din ni Directorate for Integrated Police Operation Western Mindanao P/Dir. Felicisimo Khu, na itinuturong responsable sa panibagong kaso ng kidnap for ransom ang grupo ng MILF special operations group sa pangunguna ni Commander Waning Abdusalam.

Una rito ay ilang military officer na ang nagsasabing pangkat ng MILF ang dumukot sa mag-inang Lusnmann.

Sa impormasyong nakarating kay Khu, sinasabing lubhang malaki ang halaga ng ransom na hinihingi ng kidnappers kapalit sa kalayaan nina Gerfa at Kevin Lunsmann at pamangkin nitong si Romnick Jakaria.

Lumalabas na wala na rin sa probinsiya ng Basilan ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply