Duterte nag-leave of absence

NAKAHANDA umano si Mayor Sara Duterte na ma-disbar, makasuhan at maimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bunsod nang kanyang pagkakasuntok sa isang sheriff ng korte sa Davao City.

Naghain na si Duterte ng limang araw na leave of absence upang maluwag na makapagdaos ng imbestigasyon ang DILG  na siyang magrerekomenda sa Malacanang sa anumang desisyon na magiging resulta ng kanilang mga pagsusuri sa pangyayari.

Ayon sa alkalde, hindi umano siya natatakot ma-disbar sa pagiging abogado dahil hindi naman niya nagagamit ito sa kanyang trabaho at wala umano siyang planong mag-practice bilang abogado. Malabo naman umanong mangyayari ang matanggal si Duterte sa kanyang pwesto dahil sa affililiation ng mga Duterte sa Pangulo na kanilang sinuprtahan noong nakaraang eleksyon.

Wala naman umanong masamang loob ang alkalde sa judge na nag-isyu ng demolisyon order na si Judge Emmanuel Carpio na nagkataong tiyuhin ng kanyang asawa.

Ang hindi pagpansin sa kanyang pakiusap sa sheriff na dalawang oras na palugit ,upang maiwasan ang mga kaguluhan sa pagitan ng mga residente at mga demolition teams ang kanya umanong ikinagalit.

Naganap ang kinatatakutan ni Duterte nang gawin ang demolisyon kung saan marami ang nasaktan, kabilang ang isang pulis na tinamaan ng isang pana sa kanyang binti.

Dagdag pa ng mayor na hinagupit ng trahedya ang Davao City kung saan marami ang namatay sa flashflood, kaya’t kabi-kabila ang problema ng lungsod at ayaw na sana niyang madagdagan pa ang kaguluhan na dinaranas ng kanyang nasasakupan. Nang tanungin kung ano ang sasabihin sa kanya ng kanyang ama na si dating mayor Rodrigo Duterte, sinabi nitong pababayaan lamang siya nito sa kanyang trabaho. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply