Dyowa ni senador nilayasan ng staff sa masamang ugali

TULUYAN nang nilayasan ng kanyang staff ang asawa ng isang mambabatas dahil sa taglay nitong kakaibang pag-uugali.

Sa impormasyong nakalap ng matang kuwago ng Remate, kung titingnan mo ay lubhang mabait ang pag-uugali ng asawa ng mambabatas.

Subalit mukha mang maamong tupa, mayroon din palang kamalditahan at kademonyohan ang asal.

Sa kuwento ng impormante ng matang kuwago ng Remate, halos sigawan at hindi na pagpahingahin ng asawa ng senador ang kanyang staff.

Ito ang malungkot at malupit: Alam na ngang buntis at kabuwanan na ng kanyang staff ay pilit pa rin itong pinapapasok at isinasama pa sa kanyang mga lakad na halos gabihin sa pag-uwi ang staff.

Oh di ba sobrang lupit ni madam na animo’y isang tigre na gustong lumunok ng taong buhay.

Ang paalam ng staff na nag-resign ay magpapahinga daw muna ito at bibigyan ng panahon ang kanyang pamilya.

Subalit ang hindi alam ni madam, ang kanyang staff ay nagtatrabaho na ngayon sa Palasyo ng Malakanyang, kay PNoy.

Kung kanino, secret muna, kawawa naman ang staff at baka ipatsugi ni madam.

Kasi ang asawa ni madam ay kapartido ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III at ang apelyido rin ni madam ang ginamit ng kanyang asawa upang manalo sa halalan.

Isang aktres at sikat na sikat na artista ang asawa ng mambabatas at frustrated din sa pagpapapayat.

Papaano kasi kahit na anong exercise, diet at pagod hindi pumapayat dahil sa takaw kumain ng mga pastry.

Sabi nga ni Mr. Fu, mega non pa basta mayroon siyang reality show ngayon sa isang TV network.

At nagpapasalamat ang kanyang confidential staff sa kanyang pagkakawala sa mga kamay ni madam.

Kasi bukod kay madam pinagsisilbihan din ng staff ang asawang mambabatas nito, gayundin ang kanilang mga anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply